magpapagupit ba ako?

Wednesday, August 22, 2007

Tagalog muna ngayon. Sawang-sawa na ako mag-English kasi walong oras na puro Amerikano ang kausap ko kagabi.


Nyahaha! Natawa ako nung nakita ko ang larawan (waw, larawan.. di ako sanay banggitin to) na ito.
Nagbubura ako ng mga email (di ko alam ang Tagalog ng email, hehe) nung isang linggo, at nakita ko ito. Kung tama ako, dalawang taon na itong larawang ito. Kaloka! Mahigit dalawang taon pa nga yata itong nakatago sa email ko.

Ang weird. Parang square yung jaw ko, tapos parang ang laki-laki ng mukha ko. Wahahaha!

Pero bakit nag-iisip ako ngayon kung magpapagupit ako? Hmmm... pag tinopak ako, malamang magpapagupit ako sa Sabado. Pero nakakapanghinayang din kasi halos hanggang balikat na yung buhok ko ngayon. At mas mahaba pa siguro kung hindi ako nagpagupit ng maiksi last year.

Ano nga kaya? magpapagupit ba ako?

1 comments:

Vikkicar said...

Bagay sa'yo ang gupit mo. God Bless.