Tagalog muna ;)

Saturday, October 28, 2006

Magtatagalog muna ako. Sawa na ako sa English dahil pag nasa trabaho ako, kelangan English lang (ahaha! as if naman, nasusunod yun :p).

Buti naman at may telepono na uli kami. Mahigit isang linggo din kaming walang telepono at dsl dahil may mga bwisit na nagnakaw ng phone cables sa amin. Ang dinig ko 200 houses daw ang walang telepono sa subdivision namin dahil doon. Nakainis diba? Ang dami nilang naperwisyo! Kamusta naman kaya ang cellphone bill ko dahil dun? Tsk... tsk...

Ano pa ba ang nangyari sa akin?

Ay madami! Pero pinag-iisipan ko pa kung isusulat ko dito. Hehe.. Delikado kung isulat ko eh, baka makadating sa kanya. Basta, masaya ako pag nakikita at nakaka-usap ko sha. :)

Nung isang linggo, ang lungkot ko. Bukod sa personal na mga rason, malungkot ako kasi nagreshuffle (kala ko ba tagalog? hehehe.. mahirap mag-isip ng tamang translations eh) yung mga teams sa program namin. Isa ako sa nalipat ng team leader. Sabihin mo nang baduy, pero umiyak talaga ako. Magkikita pa din naman kami ng mga team mates ko, pero diba iba pa din yung iisa kayo ng team?

Absent ako ng araw na yun kasi umatake na naman ang sakit ng likod ko dahil sa scoliosis ko. In-email lang sa akin ng isang kaibigan na mula November, iba na ang team ko at ang makakasama ko pa sa team na yon ay isang tao na ayoko talagang kasama. Sabi ko nga, na-karma siguro ako. Hehehe!

Tinext ko agad yung team leader ko. Tinanong ko sa kanya kung talaga ngang nalipat na ako at kinumpirma nya sa akin na totoo nga. Shempre, ngawa na naman ako. Ewan ko ba, di ko mapaliwanag kung bakit ganun na lang ang pagkalungkot ko na nalipat ako. Sabi ko sa TL ko sa susunod na buwan, kunin nya uli ako (kasi alam ko magrereshuffle na naman), at huwag nya muna ako tanggalin sa distribution list ng team namin. Nagtext back sha sa akin at sinabing magpagaling daw ako at kung pwede na, kukunin nya uli ako sa team. Sabi pa nya, wag na daw ako umiyak, ok lang daw yun at magkikita-kita pa naman daw kami. Awww.... Ang sweet ng TL ko no? :p Tawag ko nga sa kanya Mentos: soft on the inside. Sagot lang sa akin nun, isang smirk at roll ng eyes, tapos natatawang napapailing. Hahaha!

Nung araw din na yun, nalaman ko na yung posisyon sa dating office ng mom ko na sabi dati sa akin na pwedeng maging akin, binigay na sa iba. Kaya pala pinatagal nila noon, may usapan na pala sila na sa ibang tao ibibigay yung posisyon. Sana noon pa sinabi na nila sa akin, para hindi ako umasa na pagkatapos ng pinirmahan kong kontrata sa trabaho ko ngayon, kukunin nila ako.

Oo, umiyak na naman ako.

Ang pangit talaga ng araw na yon.

Pero ok na ako. Naisip ko, siguro nga hindi talaga para sa akin yung posisyon na yun. Baka may mas maganda pang oportunidad na dadating para sa akin.

Pumasok ako ng sumunod na araw. Nung makita ako ng team leader ko, natatawa sha. Shyet. Nahiya tuloy ako bigla. Kasi alam nya na umiyak ako dahil nalipat ako ng team. Sabi ko sa kanya, "TL, pag umiyak ba ako uli, kukunin mo na ako? hehehe!" Sabi sa ken, "Ok lang yon, next week ka pa naman malilipat eh, sa team pa din kita ngayon."

Pagkatapos nun, nag-break na kami ng kaibigan ko. Palakad kami papuntang pantry, sabi sa akin ng kaibigan ko, "Jennie, he looks like KC Montero, o." At tinuro nya sa akin yung isang guy na kausap ng guard sa floor namin. Sabi ko, "Oo nga, kamukha nya. I wonder what program he's in?" Lakad pa din kami, tapos napansin namin yung mga nurses sa clinic, nakasilip lahat sa pinto at kilig na kilig.

Lingon uli kami.

Shyet. Si KC Montero nga. Hahahaha! Akala ko agent sa ibang program, sha pala talaga. :p

Pagdating namin sa pantry, nakita namin naka-set-up yung Symposium for MTV Summit for AIDS, at ang nakabanderang tarpaulin ng Frenzy Condoms (hehehe... frenzy condoms sa pantry? there is something seriously wrong with that.) Since di kami pwede magpantry, balik kami sa area namin.

Sabi ko sa bagong TL ko nung mapadaan ako sa kanya, "TL si KC Montero nasa pantry."

"Weh, di nga?", tanong nya.

"Oo nga, promise, kakadating lang."

Narininig kami ng isa pang TL na gay. "Sino daw?"

"Si KC Montero, nasa pantry." sagot ko naman.

Nagulat ako ng bigla silang tumayo at tumakbo papuntang pantry. Tawa ako ng tawa. Kumalat sa buong floor na nandun nga si KC. Lalo akong natawa nung makita namin na bigla dumami yung tao papuntang pantry. Pasimple pa na gusto makita si KC, halata naman na yun yung pakay nila. Lahat may dalang baso, kunyari kukuha ng tubig sa pantry. Wahahaha!

Ang tao nga naman pag may nakitang sikat. Ayaw pa aminin na excited sila na makita yung celebrity, kelangan pa magpasimple. :p

Yan ang ilan lang sa nangyari sa akin last week. :) Tigil na muna ako, mahaba-haba na ito.

Happy weekend!

3 comments:

missP said...

hi jen,
guwapo ba talaga si kc montero? crus ko din yun dati eh.. hahahaha!!!

seriously, everything will be fine for you, i am sure of that. di ka pababayaan ng "angel" mo, ;)

good luck!

Anonymous said...

Ow, Jen, I'm sorry about that pwesto your mom formerly occupied. Badtrip naman yun. But I'm glad you're ok with it na. (: By the way, I also have a story about KC Montero. I literally bumped into him when I was sprinting (while texting) to meet a friend in Glorrieta, and he's on his way to this certain restaurant to meet up Geneva Cruz (who we also saw later that day). He said he's sorry which was nice, considering he's a celebrity. He's bigger in person, 'no? At mabango, haha. Have a nicer week ahead, Jennie! (:

Jennie said...

missP & Kai: KC looks so much better in person. and he's taller than i thought he would be. he seems nice, chika-chika sha with the nurses at the clinic when he saw them gushing. haha!

Thanks, I don't feel bad about the position anymore. I feel there's something better for me out there :)