one year na ba yun?

Monday, May 29, 2006

Ang bilis ng panahon. Ngayong araw, isang taon nang wala si mommy.

Isang taon na ba yun? Parang hindi pa. Fresh pa sa utak ko yung mga pangyayari nung May 29, 2005, down to the last minute. Kung tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko last year ng ganitong oras, masasagot pa kita. :)

Miss ko pa din si mommy araw-araw. Pero tama nga yung sinabi ng kaibigan ko: "The pain doesn't go away, you just learn how to deal with it better."

Kahapon nagsimba kami ng family ko, pina-dedicate (tama ba yung term?) kasi namin yung mass sa parish namin para sa kanya. First time na nagsimba kami ng sama-sama mula nung misa para kay mommy last year. Naluha ako sa misa, lalo na dun sa homily ng parish priest namin, Ascencion Sunday kasi kahapon. Bagay na bagay yung homily sa sitwasyon namin.

Pagkatapos ng misa, derecho kami sa Loyola Memorial Park, para bisitahin yung puntod ni mommy, gaya ng ginagawa namin tuwing Linggo.

Ang bilis talaga ng panahon.

3 comments:

Anonymous said...

can't believe it's been a year too...

you're in my thoughts today dear...and my prayers...hope you're doing better...

*hugs*

clare

Kai said...

*hugs* I hope you feel better.

Jennie said...

Thanks, Clare. *hugs*

Ang bilis no? That also means, one year na din tayong hindi nagkikita. :p

Hi Kai. :) Thanks. *hugs*