joke time

Thursday, April 21, 2005

I was checking my emails this morning and two friends sent me some funny stuff. You've probably encountered these before (coz I already got the same emails months ago), but I wanted to share it. :)

STORY FOR TODAY

When you have an "I Hate My Job" day, try this:

On your way home from work, stop at your pharmacy and go to the thermometer section and purchase a rectal thermometer made by Johnson and Johnson. Be very sure you get this brand.

When you get home, lock your doors, draw the curtains and disconnect the phone so you will not be disturbed.

Change into very comfortable clothing and sit in your favourite chair, open the package and remove the thermometer.

Now, carefully place it on a table or a surface so that it will not become chipped or broken. Now the fun part begins - Take out the literature and read it carefully. You will notice that in small print there is a statement: "Every Rectal thermometer made by Johnson and Johnson is personally tested"

Now, close your eyes and repeat out loud five times, "I am so glad I do not work for quality control at Johnson and Johnson."

HAVE A NICE DAY AND REMEMBER, THERE IS ALWAYS SOMEONE ELSE WITH A JOB THAT IS WORSE THAN YOURS!

-----------------
NUNG BATA KA, NAGAWA MO BA ITO?

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start? - hehehe 30 lives sa Contra

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Benetton, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si ning-ning at ging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant? - ngayun din!

*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

*eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pulang pay phone ng 3 bente singko ang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong... diba naninipit yun?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA NA.

WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA 75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH

5 comments:

sky said...

correction po. yung sampera (1 centavo) ang hugis square dati, at mukha ni lapu-lapu ang nakalagay. yung singko hugis bulaklak. yung dyes bilog tapos kulay gray, kakulay ng sampera.

saka di ba, ang laki pa ng piso noon. tapos yung dalawang piso, papel sya.

cnbgirl said...

haha, nabasa ko na to and nakakatuwa ulitin. :) syemay! alam ko lahat ang nakasulat dito... :)

dennah said...

ayown, sabi ko na mamera ung square eh...astig gamitin yung tangkay ng papaya pag-blow ng bubbles gawa sa pinitpit na gumamela. kilala mo rin ba si irma daldal? haha, 595485 ang telepono namin dati! OMG! naabutan kong 40c lang ang pay fone, dapat yung maninipis na diyes ang ihuhulog mo! oh noh!!!

bullish1974 said...

nampucha. na-miss kong bigla ang aratilis....

Jennie said...

sky, pasensha na, hindi ko inabutan yung sampera. hahahaha! joke lang, meron pa nung maliit ako pero wala ngang value :p (defensive, hahaha!) favorite ko yung flower-shaped na singko, ang mukha dun si tandang sora, diba? :p

honga, malaki yung piso, papel ang 2 piso na naging octagon ba o hexagon?

cnbgirl, hahaha! batchmate nga kita :p

dins, inabutan mo na 40c lang ang payphone?! owws? nyahahaha!

blowing bubbles with tide and gumamela ang the best! malalaki at matagal pumutok ang bubbles. :D

inis na inis ako kay irma daldal. sesame street baby ako, mejo malaki na ako nung batibot kaya time nila chie yun :p pero lam ko yung mga kanta.. "tinapang bangus..." "batis, batis, malinaw na tubig..." "isda da da, isda..." wahahaha! kaloka

mike, may dalawang puno pa ng aratilis sa backyard namin. dun sa ilalim nun nakalagay yung doghouse. daming bunga! :D