crazy neighbors

Monday, April 26, 2004

Have you ever had neighbors you wanted to throw stones at? Hehehe! Bad no? Pero kami merong mga kapitbahay na gustong-gusto kong batuhin minsan. Lalo na yung nasa tapat namin.

Minsan nagvivideoke sila ng pagkalakas-lakas. Okay lang yun... kung ang boses nila ay hindi katunog ng pinitpit na lata. O sana man lang ay nasa tono. Pero wala akong magagawa, dahil tulog yata sila nung nagsaboy ng kagandahan ng boses ang Diyos. Hehehe. actually, okay lang kung kumanta sila, right nila yun eh. Kaya lang minsan tanghaling tapat sila kumanta o kaya gabing-gabi na. Pag gabi tuloy sila nagkakantahan, yung aso naming si Laika, umaalulong. I swear.

Tapos, babanat sila ng "... ayb been weyting por yu-hoo, hir insayd mah heart, aym di won hu wants tu lab yu mo-ho-ho-hore.." Shyet! paulit-ulit pa yun. minsan 5 times na yun ang kanta sunod-sunod. Nakaka-windang! Magtitinginan kami ni Chie, sabay "roll ng eyes" at sabing, "Ano ba yan?!"

Minsan pag may topak ako, at si mommy at si daddy ay either wala sa bahay o kaya nasa likod sila sa aming bahay kubo sa garden ni daddy, nilalakasan ko yung stereo. Yung tipong sa lakas eh, nagse-shake yung bintana. Maya maya di na sila kumakanta. Ang salbahe ko talaga! Wahaha!

Tapos, pag dadating yung amo na lalaki at hindi agad nabuksan yung gate nila, ayan na, magrerebulusyon na sha. Magbubusina ng paulit-ulit at minsan walang patid. Yung tipong ganito: "beeeeeeeeeeeep! beeeeeeeeeeeep! beeeeeeeeeep! beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep! Ay! kaines talaga, di na lang sha bumaba ng sasakyan at sha ang magbukas ng gate. Minsan di kami nakatiis, labas talaga kami to complain. Kasi ba naman, sa tapat sha ng bahay namin nagbubusina (para may bwelo sha pagpapasok na sa garahe nila). Hehehe... andami nagtaray sa kanya. Never na nya inulit, buti naman.

Yung kapitbahay naman namin sa kanan (kasi sa kabila, vacant lot.. buti na lang), pag nag-away sila (madalas yun :p) rinig na rinig. Ganoon kalakas boses nila. Katakot kung minsan. Kahit ayaw mong makinig, wala kang choice kasi malakas talaga.

It's a good thing our other neighbors aren't like those 2, if they were I'd go crazy, surrounded by them. hehehe!

♥ JeN

---------------------
If...
Monday, April 26, 2004

1. you could have a lifetime supply of something, what would you want? lifetime supply of money. hehehe...
2. you could be an object, what would you be? radio, shempre love ko music eh
3. you could steal something of your crush's room, what would you get? pillow or t-shirt. yuck! stalker moment! :D
4. you could travel right now, where would you go? Ireland or New York. O kaya sa Sanfo para ma-visit ko si Mylin.
5. you could date someone famous, who would you date? hello? kelangan pa bang tanungin? Si Papa Colin or si Papa Kimi. mwahahaha!

0 comments: